41

By

Holdaper nakorner sa Mandaluyong

Sharing is caring!

Hindi na nagawang makapalag pa ng isang holdaper makaraang ma-trap ng mga nagrespondeng pulis at bantay bayan nang manutok at mangholdap ng isang room attendant habang nag-aabang ng masasakyan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City kahapon ng madaling-araw.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Romulo Sapitula, nakilala ang suspek na si Joven Aquino, 26-anyos, walang trabaho at residente ng Block 12, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Batay sa report, nag-aabang ng masasakyan sa Shaw Blvd. ang biktima na si Elwin Ariola, 22, residente ng Barangay Hagdan Bato Itaas, ng nasabing siyudad, bandang ala-1:40 ng madaling-araw nang lapitan ng suspek.

Nagulat umano si Ariola nang lumapit sa kanya ang suspek at bigla na lamang naglabas ng patalim at hinihingi ang kanyang cellphone.

Sa takot ay ibinigay na lamang nito ang kanyang Vivo 5 cellphone at nang umalis na ang suspek ay agad nagtungo sa PCP 1 at ini-report ang naganap na panghoholdap sa kanya.

Agad na nagrespode si PO1 Bernie Morera kasama ang apat na bantay bayan ng Barangay Addition Hills upang masakote si Aquino.

Kasalukuyang nakakulong sa Mandaluyong detention cell ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa kanya. (Vick Aquino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?