263
rider
May 28, 2018 @ 14:53
By

Holdaper na rider, dedbol sa encounter

Todas ang isang holdaper na backrider ng isang motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga pulis makaraang holdapin ang isang advertising agent sa Brgy. Siena, Quezon City kaninang madaling-araw.

Ang hindi pa nakikilalang holdaper ay tinatayang nasa 25 hanggang 30 ang edad, 5’4” ang taas, nakasuot ng itim na long sleeves at pantalong maong, habang nakatakas naman ang kasamahan nito.

Batay sa inisyal na report ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa kahabaan ng Sta. Catalina St., Brgy., Siena, Quezon City, dakong alas-2:12 ng madaling-araw nitong Lunes.

Sa imbestigasyon ni PO3 Virgilio Mendoza, ng QCPD-CIDU, naghihintay umano ng masasakyan ang biktimang si Mica Espiritu Hernandez, 32-anyos, dalaga, residente ng No. 17 Lincoln St., Brgy. Del Monte, QC, team leader ng advertising agency kasama ang kanyang kaibigan sa kahabaan ng Banawe Street corner Retiro, La Loma nang holdapin sila ng ridng-in-tandem.

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang biktima at kinuha ang mahahalagang gamit at pera nito saka mabilis na tumakas.

Agad nagtungo ang biktima sa himpilan ng QC Police La Loma Police Station 1 para magharap ng reklamo na agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Pagdating ng mga pulis sa Sta. Catalina St., naispatan ng mga pulis ang isang motorsiklo na tumutugma sa pagsasalarawan ng biktima na siyang humoldap sa kanila.

Sa puntong ito ay hinabol ng mga pulis ang mga suspek subalit pinaputukan sila nito ng baril kaya agad ding gumanti ng pamamaril ang mga awtoridad, at tinamaan ng rider.

Nang bumagsak ang kasamang nakaangkas ay mabilis na pinaharurot ng isang kasamahan nitong suspek ang minamanehong motorsiklo at tumakas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?