10

By

Holdaper na pusher, patay sa shootout

Sharing is caring!

Tuluyan nang itinumba ng mga awtoridad ang umano’y notoryus na holdaper at tulak umano ng droga makaraang manlaban sa mga awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Kinilala ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) ang napatay na suspek na si Cesar Arive Jr., alyas ‘Lupin’, nasa hustong gulang at nakatira sa San Martin Dulo, Villareal St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Si Lupin ay napatay ng mga tauhan Special Drug Enforcement Unit (SDEU) ng QCPD Station 4 dakong alas-4:50 ng madaling-araw sa tahahan ng suspek.

Batay sa inisyal na report kay P/Senior Inps. Dennis Francisco ng SDEU, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil pagtutulak ng droga ng suspek at pagiging talamak umanong holdaper nito kaya agad na nagkasa ng operasyon laban sa kaniya.

Sa gitna ng transaksiyon ay nakahalata umano ang suspek na pulis ang kanyang buyer kaya bumunot ito ng baril at pinaputukan ang parak, at dahil nakasuot ng bulletproof vest ay hindi tinablan kaya gumanti na rin ito ng pamamaril.

Nasamsam sa crime scene ang isang bag na naglalaman ng shabu at marijuana na nakalagay sa plastic sachet. Nakuha rin ang isang kalibre 38 na ginamit nito sa pamamaril.

Nabatid kay Station 4 Commander Supt. Rossel Cejas, nasa drug watchlist ng Brgy. Gulod ang notoryus na robbery snatcher sa area ng Novaliches.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?