28
holdup
By

Holdaper huli sa Marikina

Sharing is caring!

Hindi na nakaporma pa ang isang babae matapos holdapin ng isang kelot na nakabisikleta at pilit na inaagaw ang kanyang cellphone kamakalawa ng umaga sa Marikina City.

Agad na nagtungo sa Marikina Police Station 6 ang biktima na si Christine Capsa y Gavino, empleyado, matapos holdapin at saktan ng naarestong suspek na si Ian Olitres y Seguilla, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Concepcion Uno.

Ayon sa biktima, sinakpak siya sa mukha at hinampas pa ang ulo sa bakal nang tumanggi siyang ibigay ang pinaghirapang Samsung Galaxy J3 dakong alas-11:40 ng umaga sa Tricarben St., Barangay Concepcion Uno.

Nagawang makatakbo ng biktima subalit hinabol siya ng suspek sa siya sinapak sa mukha at hinampas ang ulo sa bakal ng suspek sa waiting shed.

Nagsagawa ng follow-up operation ang PCP 6 sa pangunguna nina SPO1 Abdul Ibrahim at PO1 Carlo Manaog kaya’t naaresto ang suspek ngunit hindi na nabawi pa ang cellphone ng biktima.

Nahaharap sa kasong robbery hold-up si Olitres na nakakulong ngayon sa Marikina detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?