1,018

Dec 17, 2017 @ 18:53
By

Holdaper, dedbol sa negosyante

Binaril at napatay ng isang negosyante ang isang holdaper, habang sugatan naman ang dalawang kasamahan nito matapos na looban ang kanyang tindahan sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang suspek na namatay noon din na si Herminigildo Garcia, 36, binata, at residente ng No. 2 Himlayan Road, Brgy. Tandang Sora, QC. Siya ay nagtamo ng tatlong tama ng bala norinco pistol sa katawan.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Quezon City General Hospital at East Avenue Medical Center, ang dalawang kasamahang holdaper ni Garcia, na nakilalang sina Dino Carlo Buenavesta, 38 ng No. 22 Cebu St., Brgy. Culiat, at Floro Calbahao, 48, security guard, at naninirahan Talanay Arta, Brgy. Batasan Hills, ng nasabing lungsod.

Ang negosyanteng biktima ay nakilalang si Oliver Chiong, 36, may-ari nang hinoldap na tindahan na matatagpuan sa No. 82 Matahimik St., Brgy. Teachers Village West, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Virgilio Mendoza, ng CIDU-QCPD, dakong alas-7:45 ng gabi nang looban ng mga suspek ang tindahan ng bitkima sa nasabing lugar.

Isasara na umano ng biktima ang kanyang tindahan nang pumasok ang tatlong nabanggit na holdaper, tinutukan ng baril ang una at napahayag ng holdap saka mabilis na nilimas ang perang nasa kaha na nagkakahalaga ng P560, 000, isang unit ng samsung edge, ipod at tatlong Nokia cellphones.

Nang papatakas na umano ang mga holdaper ay naagaw ng negosyante ang baril ng isa sa mga suspek at pinagbabaril ang mga
ito, na sabay-sabay na duguang bumulagta.

Narekober naman mula sa mga holdaper ang pera at mga nabanggit na gamit na nilimas ng mga ito mula sa negosyante.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?