134

Oct 6, 2017 @ 8:45

Holdaper dedbol sa encounter sa QC

Dedbol ang isang hindi pa nakikilalang holdaper matapos na makipagbarilan sa mga naka-engkwentrong mga tauhan ng Quezon City police District sa Quezon City.

Inilarawan ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, ang napatay na holdaper na nasa pagitan ng edad 35-40, may taas na 5’6, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay puti na may asul na t-shirt, at itim na short pants.

Sa ulat, isang concerned citizen ang nag-report sa mga pulis na nakatalaga sa Fairview Police Station na may nagaganap na robbery hold-up sa Sampaguita St., Maligaya Park Subdivision, Barangay Pasong Putik, dakong alas-2: 00 ng hapon, nitong Miyerklues, October 4, 2017.

Agad na nagresponde ang mga pulis at inabutan pa nila ang holdaper subalit nang mamataan sila nito ay agad na nagpaputok ng baril at tinamaan sa kaliwang kamay at binti si PO1 Cesar Sabangan.

Dahil dito ay gumanti na rin ng putok ng baril si Sabangan at nasapol ang holdaper.

Nasamsam ng Scene of the Crime Operation (SOCO) sa tabi ng bumulagtang holdaper ang ginamit nitong .38 caliber revolver na may apat na bala at mga basyo ng bala ng baril sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Ang biktimang si Khristine Camille Viado, na sugatan rin matapos na manlaban sa nasabing holdaper ay positibong kinilala ang napatay na siyang nangholdap sa kanya.

Ang bangkay ng hindi pa nakikilalang holdaper ay dinala sa PNP Crime Laboratory para maawtopsiya, habang inaalam pa ang pagkikilanlan nito. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?