soco9
By

Holdaper dedbol sa encounter sa QC

Sharing is caring!

Dedbol sa pulis ang sang lalaking hinihinalang holdaper, na nambiktima ng isang babaeng pasahero, nang maka-engkuwentro ng mga awtoridad sa Brgy. Greater Fairview sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng suspek na inilarawan lamang na nasa 25 hanggang 30-anyos, nasa 5’2” ang taas, katamtaman ang laki ng pangangatawan, fair complexion at nakasuot ng berdeng short at dark na sando.

Batay sa ulat ng Fairview Police Station (PS-5) na pinamumunuan ni P/Supt Benjamin Gabriel Jr. dakong alas-2:45 ng madaling araw nang maganap ang engkwentro sa Neopolitan Site, Brgy. Greater Fairview.

Nag-aabang umano ng masasakyang taxi ang biktimang si Mariel Tanay, 24, ng Brgy. Nagkaisang Nayon, Quezon City sa Dahlia Avenue, kanto ng Lilac St., sa Brgy. Greater Fairview, nang hintuan ito ng suspek, na sakay ng itim na motorsiklo.

Tinutukan umano ng suspek ng baril ang biktima at saka sapilitang tinangay ang kanyang dalang shoulder bag bago tumakas. Agad namang nagtungo sa kalapit na Police Community Precinct (PCP) 1 ng PS-5 ang biktima at nagsumbong sa mga pulis.

Rumesponde naman ang mga miyembro ng PS-5 Tactical Motorized Riders (TMR) atat nang maispatan ang motorsiklong inilarawan ng biktima sa Neopolitan Site ay agad itong pinara.

Gayunman, sa halip na tumigil ay nagpaputok umano ng baril ang suspek at tinangkang tumakas. Hinabol naman ng mga pulis ang suspek at pinaputukan na nagresulta sa kamatayan nito.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang kalibre .38 revolver na may dalawang bala, gayundin ang shoulder bag ng biktima na may lamang cash at mga personal na gamit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?