hold-up
By

Hold-up gang timbog sa IDs

Sharing is caring!

Ipinahamak ng isang ID ang isang hinihinalang grupo ng mga holdaper sa Taguig City.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario Jr., alas-siyete ng umaga ng Biyernes nang maaresto ang limang miyembro ng grupo sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Aniya, nagpapatrulya ang kanyang mga tauhan sa Sitio 3 nang matiyempuhan nila ang mga suspek na nagsusugal ng cara y cruz kaya’t sinita ang mga ito.

Nang kapkapan, nakumpiskahan ng kalibre .38 na baril ang suspek na si Jefferson Muza, samantalang kalibre .45 na baril naman ang nakuha kay Willar Baula.

Narekober din sa kanila ang ilang IDs at nang tawagan ang isang Rachelle Macainan ay sinabi nito na noong Nobyembre ay naholdap siya sa Pasong Tamo, Makati City.

Ipinadala sa kanya ang retrato nina Muza at Baula at kinumpirma ni Macainan na kasama ang dalawa sa anim na nangholdap sa kanya.

Isa pang biktima ng grupo, isang Madzni Udah ang nagsabi na naholdap din siya noon namang Oktubre sa Mandaluyong City.

Ang iba pang suspek na naaresto ay sina Nicanor Canlas, Nelson Villega, kapwa ng Western Bicutan, Taguig City at Reynario Acdog, ng Moonwalk, Paranaque City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?