37

Aug 4, 2022 @ 22:38
By

Ho elibs sa batang pinansin ni Curry

Hindi maiwasan ng TV Host at dating volleyball star Gretchen Ho na humanga sa husay ng isang batang lalaki na napunang four-time National Basketball Association champion na at 3-time Most Valuable Player Stephen Curry mg Golden State warriors.

Ipinagmamalaki ni Ho Huwebes ang batang si Third Aggabao sa kanyang Instagram page na nagbahagi ng mga larawan at video kung saan siya naglalaro ng paboritong sport.

“Boy gone viral, Third Aggabao, 10-year old from Muntinlupa City takes after @stephencurry30 in more ways than one,” caption ni Ho.

“His coach Jell shares that he was just coming off the bench and was a last minute addition to the lineup of the Team Brgy. Bagong Silang.”

Ang bata ang gumawa ng video na “nightnight version” ni Curry na napansin din ng NBA superstar sa social media.

Dehins pa dati marunong magbasketbol ang bata, pero nang matuto ay tumira sa harap ng malalaking kalaban, at naipasok ang mga bitaw, hindi sinasadyang nagaya niya ang night night” ni Curry.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?