46

Dec 11, 2017 @ 13:01

HK trip ni Jinggoy, aprub sa Sandiganbayan

Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makabiyahe sa Hong Kong kasama ang kanyang pamilya bago magtapos ang taong ito.

Nakatakdang magbakasyon sa Hong Kong si Jinggoy kasama ang kanyang kasama na si Precy at mga anak nilang sina Janella, Jolo, Julian at Jill mula Disyembre 26-31.

Nagpasalamat naman ang senador sa pagpayag ng Sandiganbayan sa kanyang kahilingan na makapagbakasyon sa ibang bansa.

“Very, very thankful at grateful to the members of the court for granting my, parang Christmas vacation with my family,” sabi ni Estrada sa panayam ng mga reporters.

“Ito ang unang pagkakataon na makakasama ko ang aking pamilya abroad,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?