37

Dec 30, 2017 @ 11:12
By

HK investors dadagsa sa PH sa 2018 – DTI

Tiyak na umanong mag-uumpisa sa 2018 ang mas maraming pamumuhunan sa bansa ng mga negosyante mula sa Hong Kong.

Pagtaya ito ng Department of Trade and Industry (DTI) matapos bumisita sa bansa ang 11-man delegation ng Hong Kong businessmen.

Ayon sa DTI, malaki ang interest ng mga ito na magnegosyo sa sektor ng agriculture, tourism, infrastructure at manufacturing industries.

Magiging malaya naman umano ang palitan ng negosyo ng dalawang bansa dahil mayroon na ngayong ASEAN-Hong Kong Free trade Agreement na nilagdaan nung idaos dito sa bansa nitong Nobyembre ang Association of South East Asian (Asean) summit.

Ipinangako ng DTI sa mga papasok na negosyante mula sa Hong Kong ang tulong para mabilis na makapag-umpisa.

Karaniwan nang reklamo ng mga dahuhan at lokal na negosyante ang dami ng permit at mga taong kailangang daanan bago makapagsimula rito ng negosyo.

“As we move forward to further strengthen foreign business partnership, the Department of Trade and the BOI will continue to uphold the Philippine investment priorities by providing you sufficient information and assisting you on how to invest and do business in the Philippines”, pangako ng DTI sa business delegation,

Laking pasalamat naman ng delegasyon sa pamahalaang Pilipinas.

“We are delighted to know that there is a very clear signal that the Philippines look forward for further collaboration with Hong Kong not just in trade but also in the investment area. We are excited to take alook at a variety of opportunities specially in the Agriculture, Tourism, Infrastructure and Manufacturing sectors and shall come back to further discuss it in detail with you,” pahayag ni Hong Kong delegation head Margaret Fong.

Bago pa man ang trade agreement ng Asean sa HK, umabot na sa P732.2 milyon anG halaga ng investment dito mula sa HK nung Enero hanggang Setyembre 2016.

Umakyat iyon sa P1.152 bilyon noong Enero hanggang Setyembre ngayong taon. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?