523

By

HK authorities: Chinese na positibo sa coronavirus bumiyahe pa-Manila bitbit ang pamilya

Kinumpirma ng Hong Kong ang unang kaso ng novel coronavirus sa kanilang bansa.

Isang Chinese man na nagpositibo sa coronavirus ang lumipad umano pa-Manila matapos manggaling sa Hong Kong bitbit ang kanyang pamilya, ayon sa South China Morning Post.

Dumating ang 39-anyos na lalaki sa Hong Kong sakay ng high-speed train, Martes ng gabi.

Residente siya ng Wuhan, ang sentro ng outbreak.

Na-detect siyang may fever nang dumating sa West Kowloon at batay sa isinagawa sa kanyang dalawang test, nakumpirma ang infection habang negatibo ang mga miyembro ng kanyang pamilya.

Nanatili raw ang mga ito sa Empire Hotel Kowloon sa Tsim Sha Tsui bago sumakay ng Cebu Pacific flight 5J111 patungong Manila nitong Miyerkoles ng umaga, Enero 22.

Pinabulaanan naman ng Department of Health na may dumating sa bansa na isang pamilya ng Chinese mula Hong Kong.

“No such nationals were encountered by the Bureau of Quarantine,” ani Health Secretary Francisco Duque III sa Inquirer report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?