14

Sep 26, 2020 @ 22:27
By

Hiwalay na araw ng pagboto ng senior, PWD hinirit ni Angara

Tinutulak ni Senador Sonny Angara ang hiwalay na araw ng pagboto ng mga senior citizen at persons with disability (PWD).

“Mas makakabuti para sa ating mga seniors at PWDs na may hiwalay na araw ng pagboto para sa kanila. Napakahirap para sa kanila na pumila pa habang mainit at makipagsiksikan sa mga tao lalo na at may pandemya pa,” giit ni Angara sa isang pahayag nitong Sabado.

“Alam naman natin kung gaano kadelikado para sa mga may edad na ang COVID-19 na hanggang ngayon ay wala pang bakuna,” dagdag niya.

Ayon pa sa senador, ang pagtatakda ng mga earlier voting day para sa mga senior at PWD ay magpapabilis sa pila sa mga voting precinct sa araw ng eleksyon.

Dapat din aniyang pag-aralan ng poll body ang paggamit ng mga venue gaya ng gymnasium at covered court para sa mga senior at PWD.

“Comelec should study using venues such as gymnasiums and covered courts for use of our seniors and PWDs on election day. They should also work on providing people to assist them on site. ‘Wag na natin sila pahirapan pa,” sambit ni Angara.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?