By

Hiwaga kay Moultrie huhukayin ni Guiao

Sharing is caring!

 

Hindi pa nakakaliskisan ni NLEX coach Yeng Guiao si Arnett Moultrie, videos lang ng laro nito at stats ang nakita.

Pero tiwala ang coach sa assessment ng mga nakakita na sa laro ng dating NBA player kaya nila ito kinuha bilang reinforcement sa parating na PBA Commissioner’s Cup.

Si Moultrie ay rekomendado ng agent ni Wayne Chism, ang import ng Road Warriors sa parehong torneo noong nakaraang taon.

Ngayong Linggo nakatakdang dumating sa Manila ang 27-anyos na first round pick ng Miami noong 2012 draft pero nai-trade din agad sa Philadelphia. Nakalistang 6-foot-10, 240 lbs si Moultrie na huling naglaro sa Bahrain Premier League.

“Kailangan naming i-maximize ‘yung 6-10,” lahad ni Guiao.

Saktong-sakto si Moultrie sa height ceiling ng midseason tourney, aspetong kinulang kay Chism.

“Last year Chism was not bad, but he was 6-7 something,” dagdag ng mentor. “Sayang naman ‘yung 2 ½ inches na puwede mo pang i-maximize. Ito is very close to 6-10. He will not be over 6-10, but he’s very close so we’re maximizing the size and the height.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?