741

Dec 7, 2019 @ 17:43
By

HIV awareness sa Bawal Judgmental ng ‘Eat Bulaga’ pinag-usapan online

Nag-No. 1 trending sa Twitter Philippines ang segment ng “Eat Bulaga” na Bawal Judgmental nitong Sabado, December 7.

Naging guests sa show ang mga may sakit ng human immunodeficiency virus (HIV) na matapang na humarap sa national TV para mapakalat sa kamalayan ng lahat ang tungkol sa nasabing sakit.

Nabilib ang mga netizen kung paanong approach ang ginawa ng “Eat Bulaga” sa ganoon kasensitibong topic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?