161

Nov 8, 2017 @ 15:48
By

‘Hitman’ ng utol na tserman, nadagit

Nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang suspected hitman sa Pandi, Bulacan.

Kinilala ni Supt. Jay Dimaandal, commander ng MPD Station 1, ang suspek na si Mario del Rosario, na most wanted person sa kanilang nasasakupan.

Natunton ng MPD police ang hideout ng suspek sa bayan ng Pandi batay sa tip mula sa isang concerned citizen.
Batay sa ulat ng pulisya, si Mario ay nagsisilbi umanong tagalikida ng kanyang kapatid na si Barangay 121 Chairman Ronald del Rosario.

Ayon kay Dimaandal, ang magkapatid ay sangkot din sa insidente ng pamamaril sa nabanggit na barangay noong Oktubre 25.

Kapag aniya may kaaway na gustong ipapatay ang kapatid nitong kapitan ng barangay ay siya ang inuutusan na lumikida.

Sinabi ni Dimaandal na minsan na ring kinasuhan ng frustrated murder si Chairman Ronald kung saan siya ay inaresto pero nakapaglagak ng piyansa.

Nakuha naman ng pulis sa hideout ng suspek na si Mario ang isang wig, bulletproof vest at hand grenade.

Nakasuot pa umano ng wig si Mario nang siya ay maaresto para hindi makilala kapag siya ay pumapatay.

Nahaharap sa mga kasong frustrated murder, robbery, illegal possession of firearms, violation ng Omnibus Election Code, reckless imprudence resulting in physical injury at illegal possession of explosives ang suspek.
(Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?