22

Sep 19, 2020 @ 21:07
By

Hitik sa benepisyo kesa puno: Kawayan pararamihin ng DENR

Tinuturing ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na “green gold” ng mga kagubatan ang kawayan.

Mahalaga raw ang mga kawayan sa pagpapatibay ng mga lupa, pagkontrol sa pagguho nito at paghigop ng carbon dioxide sa kalikasan.

Nababawasan din ng kawayan ang pagka-expose ng marami sa mga toxic environmental contaminant.

Nakatutulong din ang kawayan sa pagbuti ng kalidad ng hangin dahil nakagagawa ito ng mas mataas na 35% oxygen kumpara sa mga puno.

Kawayan din umano ang pinakamabilis na lumaking halaman sa buong mundo kaya mapapabilis nito ang pagdami ng takip ng kagubatan.

Kaya naman layunin ng kagawaran na paramihin ang mga kawayan at palakasin ang bamboo industry sa bansa.

Kamakailan nga ay nagdaos sila ng sabay-sabay na pagtatanim ng mga kawayan sa 99 lugar nationwide.

“Because DENR takes charge of the raw materials, we would like to raise awareness on the importance of planting and investing on bamboo as we consider it as the green gold of our forest,” wika ni Lourdes Wagan, director ng DENR Forest Management Bureau sa kickoff ng bamboo planting activity sa Batasang Pambansa para sa pagdiriwang ng World Bamboo Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?