93

Feb 28, 2020 @ 15:39
By

‘Hit Me Baby’ nina Maine at Arjo, trending

May 2.4 million views na ang kuwelang pagsasayaw ng magdyowang Maine Mendoza at Arjo Atayde ng 90s hit song ni Britney Spears.

Binahagi ni Arjo sa kanyang Facebook account ang video ng pagsasayaw nila ni Maine ng “Hit Me Baby One More” na napuno ng kalokohan at kakulitan ng dalawa.

Nangyari ito nang samahan ni Arjo si Maine sa launching ng ikalawa nitong shade ng lipstick sa MAC Cosmetics sa #MaineMacMakerNight.

Sabi ng ilang netizen, perfect couple sina Maine at Arjo sa kulitan, kalokohan at laging happy ang dalawa.

Nagpasalamat kay Arjo ang mga nagmamahal kay Maine dahil palagi itong nakasuporta sa kanilang idolo kahit pa mawala ang pagiging prim and proper nito.

“Nawala ang pgiging prim and proper ni arjo sa kakulitan ni menggay… love it…stay strong,” sabi ni Basilan Rene.

“Dami talaga kalukohan to si maine sinali pa bf nya.. Supportive bf talaga,” saad naman ni Mary Grace Suan Albano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?