jail3
By

Hirit nina Sombero, Argosino, Robles na mailipat ng kulungan, sinopla

Sharing is caring!

Ipinababasura ng prosekusyon sa Sandiganbayan Sixth Division ang magkakahiwalay na mosyon nina Wally Sombero, dating Immigration Commissioners Al Argosino at Michael Robles na humihiling na makulong sila sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Sa consolidated opposition, ipinasasantabi ng prosekusyon ang mosyon ng tatlo dahil sa kawalan ng basehan.

Ayaw paniwalaan ng prosekusyon ang posibleng banta sa buhay nina Sombero, Argosino at Robles sa pananatili sa Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa dahil espekulasyon lamang ito.

Wala umanong maipakitang pruweba ang tatlo na may aktuwal na banta sa kanilang buhay.

Binalewala rin ng prosekusyon ang isyung pangkalusugan na idinahilan nina Argosino at Sombero.

Hindi naman umano nangangahulugan na titindi ang sakit na diabetes ni Argosino kung makulong sa Camp Bagong Diwa habang si Sombero naman ay malinaw na kontrolado ang sakit at puwedeng ituloy ang pag-inom ng gamot habang nasa Camp Bagong Diwa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?