74

Jul 24, 2018 @ 15:22
By

Hirit nina Revilla, Napoles na makapagpiyansa, sinopla ng Korte Suprema

Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagbasura ng Sandiganbayan sa petition for bail ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr., dati niyang chief of staff na si Richard Cambe at negosyanteng si Janet Napoles.

Ang tatlo ay pare-parehong nahaharap sa kasong plunder dahil sa umano’y paglustay sa pork barrel fund allocation ni Revilla na nagkakahalaga ng P224.5 milyon.

Sa desisyon ng Korte Suprema, hindi nito nakitaan ng merito ang apela ng tatlong akusado na kumukuwestiyon sa pagbasura ng anti-graft court sa kanilang hirit na makapagpiyansa.

Pero paglilinaw ng Korte Suprema, ang kanilang desisyon ay hindi nagdedeklara kung guilty ba o inosente ang tatlo sa kaso.

“In so denying the petitions, the Court expressly stated that this decision does touch upon the guilt or innocence of the accused,” saad ng Supreme Court Public Information Office sa inilabas nitong media briefer.

Matatandaan na nauna nang nagpasya ang Sandiganbayan na ibasura ang petition for bail nina Revilla, Cambe at Napoles matapos itong makumbinsi na matibay ang “evidence of guilt” na iniharap ng prosekusyon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?