32

By

Hirit ni SPO3 Ricky Sta. Isabel na TRO, binutata ng CA

Sharing is caring!

Hindi pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang hirit ni Senior Police Officer 3 Ricky Sta. Isabel na mag-isyu ng temporary restraining order na pipigil sana sa pagpapatupad ng kautusan ng mababang hukuman sa Angeles City, Pampanga na nagpapahintulot na gawing state witness sa kaso ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo si Senior Police Officer 4 Roy Villegas.

Si Sta. Isabel ay pangunahing akusado sa kasong kidnapping for ransom with homicide, serious illegal detention at carnapping dahil sa nangyaring pagdukot kay Jee Ick Joo at pagpatay sa kanya sa loob ng Kampo Crame noong October 18, 2016.

Hiniling ni Sta Isabel sa Court of Appeals na magpalabas ng temporary restraining order o preliminary injunction para mapigilan ang kinukwestiyong resolusyon ng mababang hukuman.

Naniniwala kasi si Sta Isabel na si Villegas ay hindi qualified na maging state witness

Sa apat na pahinang resolusyon na isinulat ni Associate Justice Myra Garcia-Fernandez ng CA 13th Division, ibinasura ng appellate court ang hiling ni Sta Isabel na magpalabas ng TRO o preliminary injunction dahil bigo siyang maglahad ng sapat na batayan ng daranasin umano niyang “grave and irreparable injury” sakaling matuloy ang pagtestigo ni Villegas sa kaso.

Tinukoy pa ng CA na mas binibigyan nito ng bigat ang kahalagahan na matuloy ang pag-usig sa kaso alang alang sa proteksyon ng lipunan.

Samantala, inaatasan naman ng CA ang mga respondent sa petisyon na kinabibilangan ni Angeles Regional Trial Court Branch 58 Presiding Judge Irineo Pangilinan Jr ng sampung araw para magsumite ng kumento sa loob ng sampung araw, at ang kampo naman ni Sta. Isabel ng limang araw para magsumite ng reply.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?