79

Dec 7, 2017 @ 14:56
By

Hirit ni Revilla na ‘demurer to evidence’, ibinasura ng Sandigan

Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan ang hiling ng kampo ni dating senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na kuwestyunin ang sufficiency of evidence sa kanyang kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.

Desisyon ito nina First Division chairperson Associate Justice Efren Dela Cruz at Associate Justices Geraldine Faith Econg at Reynaldo Cruz matapos talakayin ang merito ng “motion for leave to file a demurrer to evidence” ni Revilla.

“The court is of the view that there is a need for the accused to present evidence. Therefore, the motions for leave are hereby denied,” pahayag ni Dela Cruz.

Pero sinabi ng mahistrado na puwede pa rin namang maghain ng kanilang demurrer to evidence ang panig ng depensa kung naisin ng mga ito.

Ayon naman sa abogado ni Revilla na si Atty. Estelito Mendoza, pag-aaralan pa nila kung magpi-prisinta ng sariling ebidensya o maghahain ng demurrer to evidence.

Bukod may Revilla, tinanggihan rin ng korte ang kaparehong mosyon ng dating aide nito na si Richard Cambe at ni Janet Lim Napoles.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?