4,245

By

Hirit ni Mayor Sara na dedmahin ang banat ng ama sa Diyos, ‘di uubra – Lacson

Sharing is caring!

Binutata ni Senador Panfilo Lacson si Davao City Mayor Sarah Duterte na humirit na huwag nang pansinin ang mga banat sa Diyos at ukol sa relihiyon ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Lacson na hindi uubra ang gusto ni Sarah dahil Pangulo ng buong Republika ng Pilipinas ang ama nito.

Idiniin na anumang sabihin ni Pangulo, pakikinggan ito ng sambayanan.

“It is good advice, but may not be applicable because her father is the President of the Republic,” ani Lacson.

“When he talks, Filipinos listen for different reasons – some are waiting for his mistakes so they can have a field day criticizing him; others want to be informed, so they will learn and be guided by his policy statements; the rest may simply want to be entertained, and make their day. In any case, we all listen,” dagdag ni Lacson na isa sa mga unang umalma sa matatalim na salita ng pangulo ukol sa Diyos.

Nitong Miyerkules, ipinagtanggol ni Sarah ang ama na inulan ng batikos dahil sinabi nitong “stupid” ang Diyos.

“Please do not listen to him interpret the Bible or Quran. He is not a priest, a pastor or an imam. He is the President. Listen only when he speaks about his work,” sabi ng alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?