136

Oct 28, 2021 @ 21:48
By

Hirit ni Isko: Pa-drug test lahat ng kandidato

Iminungkahi ni Manila Mayor Isko Moreno na obligahing magpa-drug test ang lahat ng kandidato sa 2022 elections.

“Dapat ‘yan baka mamaya may adik na kandidato. Can you imagine kapag may adik na presidente. Let’s be honest to ourselves, how can we campaign against drugs eh even the President nagda-drugs?” tugon niya nang tanungin kung pabor na gawing requirement ang drug test sa mga kandidato.

Sumang-ayon dito sina Senate President Vicente Sotto III at Senador Manny Pacquiao.

Ani Sotto, isa siya sa mga may-akda ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na nag-oobliga sa mandatory drug testing sa lahat ng kandidato at mga indibiduwal na nahaharap sa kasong kriminal, ngunit idineklara aniya itong unconstitutional ng Supreme Court.

Sabi naman ni Pacquiao, magpapa-drug test siya bago mangampanya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?