65

By

Hirit ni Floirendo na mabasura ang kaso, tablado sa Sandiganbayan

Sharing is caring!

Tutuluyang litisin ng Sandiganbayan si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo Jr., sa kasong katiwalian kaugnay ng umano’y iregularidad sa TADECO-BuCor deal.

Ibinasura ng anti-graft court 6th Division ang motion to quash information ni Floirendo.

Sa 6-pahinang resolusyon, sinabi ng korte na walang merito ang mga argumento ng kongresista.

Malinaw umano sa case information na naihain ng Office of the Ombudsman ang kaso laban kay Floirendo at nakatala rito ang mahahalagang elemento ng inaakusang asunto sa mambabatas.

Ang ibang argumento naman umano ni Floirendo ay depensa na nito na mas mabuting talakayin sa mismong paglilitis.

Nag-ugat ang kaso ni Floirendo sa reklamo ng dati nitong kaibigan na si dating Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa alegasyon ni Alvarez, sinabing disadvantageous sa gobyerno ang joint venture agreement ng kumpanya nina Floirendo at ng Bureau of Corrections para sa pag-upa ng lupa ng Davao penal colony na ginawang banana plantation ng TADECO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?