42

By

Hirit ng Sereno camp na cross-examination sa mga testigo, tablado sa Kamara

Sharing is caring!

Tinanggihan ng House justice committee ang mosyon ng kampo ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ma-cross-examine ang mga testigong ihaharap sa pagdinig para matukoy kung may probable cause ang impeachment case laban sa punong mahistrado.

Sa botong 30-4, sinabi ng komite na tanging ang mga miyembro nito ang maaaring magsagawa ng cross-examination sa mga testigo at maaaring lumahok sa proceedings.

Sinuportahan ni Siquijor Rep. Ramon Rocamora ang hirit ng mga abogado ni Sereno sa katuwirang magpapabilis ito sa proceedings.

Pero tutol naman dito si SAGIP partlylist Rep. Rodante Marcoleta at iginiit na dapat si Sereno ang magsagawa ng cross-examination.

“Sila po ba’y mas magaling mag-cross-examine kesa sa Chief Justice mismo? Unless she’s willing to issue an affidavit she’s incompetent to cross-examine herself. Considering she’s the Chief Justice… I cannot imagine she’s incompetent to cross-examine witnesses,” ayon kay Marcoleta.

Nilinaw naman ni House justice committee chairman Rep. Reynaldo Umali na pwede pa ring magtanong ang mga abogado ni Sereno sa pamamagitan ng mga miyembro ng komite.

“We are not depriving the respondents of their right to cross examine, they can raise their concerns through members of the panel,” sabi ni Umali. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?