52

Jan 12, 2022 @ 15:46
By

Hirit ng PDP-Laban na buksan COC filing supalpal sa Comelec

Binasura ng Commission on Elections (Comelec) ang petisyon ng PDP-Laban Cusi faction na muling buksan ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa darating na halalan.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, unanimous ang naging desisyon ng komisyon sa pagbasura sa naturang petisyon.

“Denied. Basta unanimous,” wika ni Jimenez ngayong Miyerkoles.

Dagdag pa niya, maging ang petisyon na nagnanais iusad sa 2025 ang halalan ay hindi rin nakalusot sa Comelec.

“It was denied as well as the petition to reset elections until 2025, both of them, resoundingly denied,” aniya.

Matatandaang nabakante ang presidente at bise-presidente ng PDP-Laban Cusi wing matapos umatras ng mga una nilang pambato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?