44

Jun 23, 2022 @ 18:30
By

Hirit ng netizen: Sarah, Mommy Divine sana magkaayos na

Marami ang naantig ang puso sa pagkakaayos nina Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Sa Instagram, ibinalita ni KC na sa wakas ay nakausap na niya si Mega Star.

Sa katunayan ay naka-video call na niya ito dahil sa pagbabalak na bilhan ang ina ng bagong singsing.

“Not only THE… but MY one & only!!! I hear about so many mother-daughters that never get the chance to heal their relationships nor resolve issues, and I feel lonely for them.

“I’m so thankful we’re able to speak with each other with mutual care and respect, and now talk like girlfriends and found our way back to each other! I love you Mama! There is nothing like having your own mother’s LOVE. @reallysharoncuneta,” sey ni KC sa Instagram.

Samantala, humirit ang mga netizen na sana ay magkabati na rin ang mag-inang Mommy Divine at Sarah Geronimo.

“I’m happy for you Ms. Kace, hopefully your friend Sarah G will have her mother beside her once again soon,” sey ng isang netizen.

“Oo nga, sana next na sina Sarah at Mommy Divine. Here’s wishing and praying! Antagal na rin naman ng issue nila. Move on na siguro,” hirit naman ng isa pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?