16

Mar 11, 2021 @ 15:02
By

Hirit ng mga gobernador: COVID test bago papasukin turista

Hiniling ng mga gobernador sa gobyerno na payagan ang COVID-19 testing muna bago pumasok sa mga lalawigan ang mga traveller.

Ayon kay Marinduque Gov. Presbitero Velasco Jr., pinuno ng League of Provinces of the Philippines, hinirit nilang magpatupad ng anuman sa reverse transcription polymerase chain reaction o swab test, saliva o antigen test sa mga turista.

“Ang hinihiling po namin para mayroon naman po kaming paraan para malaman po kung positive ‘yung papasok, upon arrival dun sa port of entry na i-allow po ang LGU na mag-prescribe ng PCR test, saliva test or antigen test,” sambit ni Velasco sa panayam sa ANC nitong Huwebes.

“Karamihan po ng aming mga gobernador ay gusto pong mag-testing diyan po sa point or port of entry, ganun po ‘yung aming posisyon,” dagdag niya.

Paliwanag pa ni Velasco, dahil sa pag-alis sa mga requirement na travel authority, medical certificate at wala nang quarantine kapag asymptomatic ang traveller ay naging “defenseless” at “very vulnerable” ang kanilang mga lalawigan laban sa virus.

Magugunitang sa ilalim ng Inter-Agency Task Force Resolution No. 101, hindi na kailangang magpa-COVID-19 testing ang mga local tourist maliban na lamang kapag inobliga ng mga LGU.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?