265
harry-roque
Nov 9, 2017 @ 15:39
By

Hirit ng DDS na sibakin si Roque, tinabla ni Duterte

Hindi umubra ang panawagan ng Duterte Diehard Supporters na sibakin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential spokesman Harry Roque dahil sa pagkampi nito sa mainstream media.

Kasunod ito ng naging pahayag ng DDS supporter na si RJ Nieto – na mas kilalala sa tawag na Thinking Pinoy – na dapat sibakin ni Pangulong Duterte si Roque dahil mali ang pagbibigay ng puwesto dito.

Sa maiksing viber message ni Roque kahapon, sinabi nito na hindi pa naman siya sinisibak ni Pangulong Duterte matapos tanungin kung naiparating na niya mismo kay Pangulong Duterte ang pahayag ni Nieto.

“You need to ask him directly. I can attest that I have not been fired,” ang maiksing tugon ni Roque.

Kasama si Roque sa delegasyon ng Pangulo sa Vietnam kaugnay sa ginaganap na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) forum .

Bukod kay Nieto ay umalma din ang mga supporters ni Presidential Communicactions Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson matapos sabihin ng tagapagsalita ng Pangulo na paliliwagan niya ito na hindi kalaban ang mainstream media dahil sila ang nag-eexpose sa mga katiwalian at kapalpakan ng mga nakalipas na administrasyon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?