151

May 6, 2021 @ 16:39
By

Hirit ng 3 senador: Kulungan ni De Lima ipa-aircon

Hiniling ng tatlong senador, na kabilang sa minorya, sa Philippine National Police (PNP) na magpakabit ng air-conditioning unit sa kulungan ni Senadora Leila de Lima batay na rin sa rekomendasyon ng kanyang mga doktor kasunod nang pagka-ospital nito noong nagdaang buwan.

Ang kahilingan ay nakapaloob sa liham nina Senate Minority Leader Franklin Drilon, Senador Francis Pangilinan at Risa Hontiveros kay Brig. Gen. Arthur Bisnar, pinuno ng Headquarters Support Service ng PNP.

Pangamba ng tatlong senador, maaaring makaranas ng isa na namang “heat stroke” ang senadora kung hindi magbabago ang kondisyon nito sa PNP Custodial Center.

Noong Abril 25, naospital si De Lima matapos makaranas ng pagsusuka, pagkahilo, sakit ng ulo at panlalabo ng mata.

Base sa kanyang medical abstract, inatake ng migraine ang senadora bunsod ng “hot environment, poor ventilation and noise”.

Dahil dito, inirekomenda ng doktor ni De Lima na kabitan ng magandang bentilasyon ang detention room nito.

“Senator De Lima suffers from migraines and bouts with high blood pressure every afternoon because of the unbearable heat. Should her living conditions remain the same, Senator De Lima might suffer another heat stroke,” ayon sa mga minority senator.

“From the foregoing, we would like to request the installation of an air-conditioning unit at her living quarters following her doctors’ recommendation,” dagdag pa ng mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?