56

Jan 3, 2018 @ 11:48
By

Hirit na taas pasahe sa jeep agad na tutulan

Wala pang pormal na petisyon ang mga public transport groups, naglabas na ng pahayag ang isang commuters group ukol sa kanilang pagtutol na taasan ang singil sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan dahil sa Tax Reform for Accelaration and Inclusion o TRAIN Law.

Sinabi ni Atty. Ariel Inton, pangulo ng Commuters Safety and Protection Group, agad silang maghahain ng pagtutol sa LTFRB kapag pormal ng hiniling ng transport groups ang fare hike.

Sinabi ni Inton masyado ng masakit sa bulsa ng mga ordinaryong mananakay ang binabalak na minimum na dagdag pasahe na P2 sa jeep.

Banggit pa nito, may nakabinbin pang petisyon para magtaas sa singil sa pasahe ang mga jeepney operators at drivers at hindi pa ito nareresolba ng LTFRB. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?