59

Sep 30, 2020 @ 23:48
By

Hirit na piyansa ni Gigi Reyes, sopla sa Sandigan

Hindi pinaboran ng Sandiganbayan ang hiling na pansamantalang kalayaan ni Jessica Lucila “Gigi” Reyes.

Si Reyes ang dating chief-of-staff ni ex-Senate President Juan Ponce Enrile, na nahaharap sa mga kasong plunder kaugnay sa pork barrel scam.

Paliwanag ng Sandiganbayan Third Division sa isang resolusyon, walang panganib na mahawaan ng coronavirus si Reyes dahil wala pang inmate o empleyado sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig na infected ng COVID-19.

Kasalukuyang nakadetine sa Camp Bagong Diwa si Reyes dahil sa diumano’y naging papel niya sa pork barrel scam, kung saan tumanggap daw si Enrile ng kickbacks na umaabot ng P172.8 milyon mula kay Janet Lim Napoles, ang convicted mastermind ng multi-milyong pisong scam.

“It is worthy to mention that compared to other detention facilities where there has been transmission of COVID-19 among its detainees and staff, there is no report that there are inmates, or even personnel, of Camp Bagong Diwa who have tested positive for COVID-19,” sabi sa resolusyon na sinulat ni Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?