100
sereno1
By

Hirit na overtime pay, allowance ng Sereno staff, aprub sa SC

Sharing is caring!

Pinagbigyan ng Korte Suprema ang claim sa overtime pay, meal allowance at iba pang gastusin ng mga staff at security personnel ni Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Sa en banc session ng Korte Suprema kanina, napagpasyahan ng mga mahistrado na aprubahan ang claim na isinumite ng Judicial Staff Head ng Office of the Chief Justice na si Atty. Czarina Samonte-Villanueva, na humihirit ng kabayaran para sa overtime pay at allowances ng mahigit 30 assisting staff, driver at security personnel ni Sereno.

Ang kahilingan ay para sa serbisyong inilaan ng mga staff mula Marso 1 hanggang Marso 31, 2018, mga panahon na si Sereno ay naka-indefinite leave na.

Ang hakbang ng Supreme Court En Banc ay kasunod ng memorandum na isinumite ni Atty. Corazon Ferrer-Flores, hepe ng Fiscal Management and Budget Office ng Korte Suprema, na humihiling sa en banc na desisyunan ang certification na mula sa Tanggapan ng Punong Mahistrado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?