13

Jan 28, 2021 @ 20:07
By

Hirit na minimum wage hike dalhin sa Kongreso

Wala sa kamay ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang susi para mataasan ang minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Tugon ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa kahilingan ng mga grupo ng mga manggagawa na dagdag-sahod para makasabay sa mataas na presyo ng mga bilihin.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Bello na ang Kongreso ang nagtatakda ng minimum wage para sa mga obrero at wala ito sa hurisdiksiyon ng DOLE.

“Para sa kaalaman ng mga empleyado, ang nagsi-set ng minimum wage ay ang Congress. Kailangan may petition iyan,” ani Bello.

Sa kasalukuyan ay P537 ang umiiral na minimum wage kada araw sa Metro Manila habang ang Regional Wage Boards naman ang nagtatakda sa mga rehiyon kung ano ang angkop na dapat tanggapin kada araw ng isang manggagawa batay sa kakayahang pang-ekonomiya ng isang lugar o lungsod.

Hinihiling ng mga manggagawa na taasan ang minimum wage ng mula P700- P750 dahil sa mataas na presyo ng mga bilihin lalo na ngayong panahon ng COVID pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?