By

Hirit na limang anak ni Rodjun pinalagan ni Dianne

Sharing is caring!

Sa December 21, 2019 na nakatakda ang wedding nina Rodjun Cruz at Dianne Medina. Noong nakaraang taon na-engage ang dalawa pagkatapos ng halos 11 years na may relasyon sila.

Isang festive wedding ang gusto ng dalawa at gusto nilang maayos ang preparations. At dahil na rin sa workload nila para sa taong ito, mas pinili nila na sa 2019 na ang wedding.

Kaya may two years pa raw para paghandaan ng dalawa ang kanilang kasal at sisiguraduhin nila na bongga ito at magiging unforgettable sa mga iimbitahan nila.

Sa Minor Basilica and Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception (Manila Cathedral) magaganap ang kasal nila. Sa Hotel Sofitel naman ang wedding reception.

May 20 bridesmaids si Dianne na lahat ay mga kaibigan niya in and out of showbiz. Dalawa naman ang best men naman si Rodjun, ito ay ang dalawang kapatid niyang sina Rayver at Omar.

Ang groomsmen ni Rodjun ay binubuo nina Alden Richards, Marco Alcaraz, Kristoffer Martin, and Jose Sarasola.

Kung ilang anak daw ang gusto nila, wala pang masagot sina Rodjun at Dianne, pero handa sila na magkaroon ng malaking pamilya.

“Honestly, ready naman na sa pag-aasawa at pagkakaroon ng pamilya. But more than that, my fear is fear of change because I’m a very career-oriented person.

“I love to work, I love my job. But, you know, I’m not getting any younger also. Siguro after wedding, we’re planning talaga magka-baby. I’m already 33 by that time,” sey ni Dianne.

Si Rodjun naman ang sinabi ay limang anak ang gusto niya. Pero kinontra ito ni Dianne ay kaya lang daw niya ay dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?