40

By

Hirit na imbestigasyon sa Laguna outing, binara ng PET

Sharing is caring!

Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema, na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang hiling ng kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na kalkalin ang kontrobersiyal na Laguna outing.

Sa inihaing manifestation of grave concern noong Lunes ng Marcos camp, idiniin nito na ang pagsama ng revisor ni Robredo na si Osmundo Abuyuan sa out-of-town trip sa PET ay labag sa panuntunan.

Pero ayon sa PET sa inilabas na resolusyon na may petsang June 10, 2018, naisagawa na ang imbestigasyon hinggil sa isyu at napagpasyahan na.

“[We] deny the motion to investigate as theTribunal has already commenced and concluded its investigation relative to the subject ‘Pansol outing’,” sabi ng PET.

Nauna nang nagpaliwanag noon ang kampo ni Robredo na alam umano ng Marcos camp ang naturang pagliliwaliw sa Laguna at nagpadala pa umano ito ng pagkain bago ang outing. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?