93

Dec 13, 2017 @ 18:14
By

Hirit na foreign trips ni CGMA, posibleng pagbigyan

Walang nakikitang mabigat na dahilan para hindi pa pagbigyan ang hiling ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na makalabas ng bansa.

Naghain si Arroyo ng very urgent supplemental motion to travel abroad sa Pasay City Regional Trial Court Branch 112.

Sa naturang korte ay may nakabinbin pang kasong electoral sabotage si Arroyo.

Binanggit ng dating pangulo na ang pagtungo niya sa Myanmar ay ‘official business’.

Samantala, dahil sa kanyang pamilya naman kaya’t nais niyang pumunta sa Hong Kong at Japan.

Ayon naman kay court officer Hermito dela Cruz III, malaki ang posibilidad na pagbigyan ni Judge Jesus Mupas ang mosyon dahil wala nang ibang kaso si Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?