385
ABANTE leni vp robredo gobyerno
By

Hirit na extension ni Calida sa shading threshold issue, sinopla ni Robredo

Sharing is caring!

Mariin ang pagtutol ng kampo ni Vice President Leni Robredo sa ikatlong hirit ni Solicitor General Jose Calida na bigyan muli sila ng panahon para magkomento sa mosyon na sundin ang 25 percent threshold sa mga balota.

Sa pamamagitan ng kanyang mga abogadong sina Romulo Macalintal at Bernadette Sardillo, naghain si Robredo ng walong pahinang vehement opposition sa 3rd Motion for Extension with Motion to Resolve the Threshold Issue.

Unang inatasan ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang kampo ni dating Sen Ferdinand Marcos Jr., at Comelec na magbigay ng komento sa apela ni Robredo noong Abril.

Hinihimok ni Robredo ang PET na bawiin ang resolusyon ng Comelec na nagsasabing gamitin ang 50-percent threshold.

Sa ikatlong mosyon ng OSG, nais nito na sa Hulyo 11 na sila magsumite ng kanilang komento.

Ngunit giit ng kampo ni Robredo, wala namang mabigat na dahilan para pagbigyan pa uli ang hirit ng OSG. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?