17

Jan 28, 2021 @ 20:34
By

Hirit na dagdag-sahod ngayong panahon ng pandemya, malabo – DOLE

Hindi kakayanin ng mga pribadong kumpanya na magtaas ng dagdag sahod ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang paniniwala ni Department of Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa harap ng hirit ng mga pribadong manggagawa na taasan ang minimum wage na tinatanggap ng mga arawang manggagawa.

Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Bello na ang mas mahalaga ngayong may COVID pandemic ay mabalanse ang interes ng mga manggagawa kaysa mawalan ng hanapbuhay.

Nakausap aniya nito ang Presidente ng Employers Comfederation of the Philippines (ECOP) na si Sergio Luis Ortiz at sinabing baka hindi makayanan ng mga maliliit na negosyante ang magdagdag ng sahod.

“If we will grant or recommend the approval of the perition na taasan ang suweldo, baka hindi makayanan ng mga employer,” ani Bello.

Kapag aniya tinaasan ang sahod ngayong panahon ng pandemic, mapipikitan ang ibang mga negosyo na magsara na magreresulta sa pagkawala ng maraming trabaho.

Sinabi ni Bello na ayaw nilang humantong sa ganitong sitwasyon ang mga manggagawa kaya kailangang pag-aralang mabuti bago gumawa ng agad agad na aksiyon.

“Kailangan dito masusing pag-aaral because if the employers cannot afford it, we will increase the unemployment rate and that is the worst situation as far as our emoloyees are concerned,” dagdag ni Bello.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?