180

Dec 4, 2017 @ 20:46
By

Hired killer ng mga politiko, timbog sa Nueva Vizcaya

Nadakip ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang suspek sa tangkang pagpatay kay Paracelis Mt.

Province Mayor Avelino Amangyen na si George Ginabay sa Purok Dos, Brgy. Bugnay Diadi, Nueva Vizcaya noong Sabado.

Sinabi ni PNP-CIDG Chief, Police Director Rouel Obusan, sa isang restaurant sa Nueva Vizcaya inaresto ang suspek habang nakikipag-usap sa isang pulitiko.

Batay sa imbestigasyon ng PNP-CIDG natukoy nilang nagpanggap na sundalo ang suspek bilang isang sergeant at isang Lt. Col. Ruben Ginolbay na isa umanog medal of valor awardee ng Philippine Army.

Ibinulgar ni Obusan na mas ginagamit ng suspek sa kanyang mga contact ang pagpapakilala bilang si Ginolbay at nagpakilala ring miyembro ng Scout Ranger para mas maging mataas ang kanyang presyo bilang hired killer.

Sinabi pa ng opisyal na bago maging biktima si Mayor Amangyen ay nauna nang naging biktima ng suspek sina Bangbang Nueva Vizcaya ABC President Brgy. Captain Juancho Parolan at SPO3 Romeo Bueno na kapwa napatay ng hired killer na si Ginabay kapalit ng maliit na halaga.

Sa ngayon nahaharap ang suspek sa patong-patong na kaso. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?