112

Oct 15, 2017 @ 17:34

Hired killer itinumba ng kabaro

Itinumba ng isang sinasabing hired killer ang kapwa nito killer sa Taguig City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ronie Sta. Ana, alyas Bayawak, na itinuturing na No. 1 most wanted person ng Police Community Precinct 2 ng Taguig City Police.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Ayos Mamonong.

Base sa paunang ulat, alas-otso ng umaga nang barilin ni Mamonong si Sta. Ana sa Sitio Ulingan C-6, Barangay Lower Bicutan.

Hinihinala na may kinalaman sa iligal na gawain ng dalawa ang motibo sa pagpatay.

Ayon sa pulisya, ang dalawa ay hinihinalang hired killers na may operasyon sa lungsod. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?