104

Dec 10, 2019 @ 17:29
By

Hirap ng mga atleta nagbunga sa SEAG

Hindi maikakaila ang ilang makasaysayang pangyayari at pagtatala ng bagong record hindi lamang ng mga pambansang atleta at delegasyon kundi pati na rin sa host na Pilipinas sa pagtatapos ng ika-30 edisyon ng Southeast Asian (SEA) Games, Miyerkoles ng gabi, Disyembre 11, 2019.

Iba’t ibang istorya ng kanilang paghihirap at tagumpay ang maibabahagi ng mga pambansang atleta, nagwagi man o hindi, sa kanilang paglahok at partisipasyon na ikaapat na pagho-host ng bansa sa kada dalawang taong multi-sports na torneo na isinagawa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Pinamalas ng asosasyon ng arnis kung bakit ito ang kinikilalang pambansang laro matapos iuwi ang record-high 14 gintong medalya, dagdag ang apat na pilak at dalawang tanso para sa pagsungkit sa kabuuang 20 medalya.

Pinakita rin ng ‘Pinas ang kahusayan sa kultura at tradisyon sa pagwawagi ng 10 gintong medalya sa dancesport.

Pitong ginto naman ang sinungkit ng athletics at boxing patungo sa huling araw ng kompetisyon upang pangunahan ng sports ang pinakamaraming napanalunang gintong medalya ng bansa sapul nang lumahok sa torneo noong taong 1977.

Ang apat na sport ang nagpasimuno sa mga makukulay na kuwento, makapigil-hiningang aksiyon at pagpapakitang-gilas ng mga pambansang atleta na huling namasdan noong huli itong mag-host sa torneo at masungkit ang una nitong overall title sa pagwawagi ng 113 ginto, 84 pilak at 94 tanso para sa 291 medalya.

Hindi man naitala sa kasaysayan ng SEA Games ang nagawa ng Pilipinas na mapanalunan ang pinakamarami nitong medalya, maituturing naman ang ilang mga pangyayari ngayong edisyon na maaring tularan ng iba nitong miyembrong bansa.

Una nang nagsagawa ng pinakamaraming paglalabanan na sports ang 26th SEA Game noong 2011 na isinagawa sa Jakarta at Palembang sa Indonesia. Binubuo ito ng kabuuang 44 sports na tinanghal na overall champion ang host Indonesia sa napanalunan nito na kabuuang 182 ginto, 151 pilak at 143 tanso para sa kabuuang 476 medalya.

Napuno din ng kabayanihan ang ginawang pagsagip ng isang Pilipinong surfer sa kapwa nito kalahok na mula sa Indonesia.

Limang bagong record din ang tinala at inambag ng mga Pilipinong atleta sa kasaysayan ng torneo na mula sa athletics, patrikular kay sprinter Marie Kristina Knott, pole vaulter Erenst John Obiena at Natalie Rose Uy, at swimmer James Depairine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?