425

Nov 26, 2021 @ 21:18
By

‘Hipon Girl’ naiyak nang ibigay sa ama regalong motorsiklo

Emosyonal si “Hipon Girl” Herlene Budol nang maibigay sa kanyang papa ang matagal nang pangarap na sariling motorsiklo.

Sa kanyang YouTube channel, hindi naiwasan ni Herlene na maiyak nang makitang naiiyak din sa saya ang kanyang papa nang tanggapin ang kanyang regalo.

Nung una, hindi makapaniwala ang kanyang papa dahil napabulong ito kay Herlene at nagtanong kung prank lang daw ba iyon.

Nakilala si Herlene sa bansag na “Hipon Girl” sa “Wowowin” ni Willie Revillame.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?