765
arrested-kalaboso-arestado-huli
By

Hinoldap na pasahero ng taxi driver, nailigtas ng toothbrush

Sharing is caring!

Arestado ang isang taxi driver na nangholdap ng kanyang pasahero kaninang madaling-araw sa Brgy. Sauyo, Novaliches.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., nakilala ang suspek na si Zaldy Macatiag, 41, ng Rodriguez, Rizal.

Dakong alas-12:00 ng hatinggabi, sumakay sa Araneta Center, Cubao ang biktimang si Malou Luyang, 28, sa Vivian Transport Taxi (TXW 371) na pinapasada ni Macatiag.

Nagpahatid ang biktima sa Sandiganbayan, Commonwealth Avenue, QC pero dinala siya ng driver sa Engineering St., Brgy. Sauyo at hinoldap.

Tinangka pang patayin ng driver ang biktima nang pagpapaluin nito ng tubo ang babae.

Nagawa namang makuha ni Luyang sa kanyang bag ang toothbrush at sinaksak sa mata ang driver, at mabilis na bumaba sa taxi at humingi ng tulong.

Nakita naman siya ng isang tricycle driver at dinala sa Far Eastern University (FEU) hospital bago ipinaalam sa pulisya ang insidente.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang Novaliches Police Station (PS 4) sa ilalim ni PSupt Rossel Cejas.

Dakong ala-1:15 ng medaling-araw, nakakuha ng impormasyon ang mga awtoridad na may dinalang sugatang taxi driver sa East Avenue Medical Center kaya nadakip ang suspek.

Positibong kinilala ni Luyang ang suspek na nangholdap sa kanya.

Narekober sa taxi ng suspek ang 16 pulgadang haba ng tubo, isang cellphone, maroon luggage at itim na sling bag na may lamang iba’t ibang ID.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }