11,021

By

Hiniwalayan ng mister, 3 anak kinatay ni misis

Pinatay ng isang 39-anyos na ina ang tatlo niyang anak saka nag-suicide.

Ayon sa Texas authorities, edad 7, 9, at 11 ang mga bata.

Binaril ni Ashley Auzenne ang kanyang sarili matapos paslangin ang mga anak na sina Parrish, 11; Eleanor, 9, at Lincoln, 7, sa loob ng kanilang tahanan sa Deer Park, Texas, ayon sa Yahoo News.

Nadiskubre ang mga bangkay nila umaga ng October 29 nang i-report ng kanilang kaanak na hindi nila makontak ang mag-iina.

Samantala, hindi pa batid ang motibo sa murder-suicide pero nangyari umano ang krimen isang linggo matapos mapanalisa ang divorce ni Ashley sa kanyang mister.

Narekober naman ang ginamit nito sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?