167

Dec 2, 2021 @ 22:06
By

Hinipuan lang daw: Tatay todo tangging ni-rape ang anak

Umiiyak nang arestuhin ang isang ama na isang taon umanong hinalay ang dalagita niyang anak.

Ayon sa ulat, sa bisa ng arrest warrant, binitbit ang 44-anyos na suspek ng Sta. Ana Police.

Hiwalay umano sa kanyang asawa ang suspek at naiwan sa kanya ang tatlo nilang anak.

Depensa ng suspek, hinipuan lang niya ang anak at hindi hinalay dahil sa pagkasabik sa kanyang asawa.

Ang panganay mismo ng suspek ang nagturo sa pinagtataguan niya.

Umamin ang suspek sa paggamit ng iligal na droga.

Mga kapatid ng dalagita ang nagsumbong sa kanilang ina ng pambababoy ng kanilang ama sa noo’y 11-anyos na biktima.

Samantala, desidido ang ina ng biktima na kasuhan ang dating asawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?