By

Hinihinalang terorista, laglag sa PNP

Sharing is caring!

Nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang hinihinalang terorista sa kanilang operasyon sa Sultan Kudarat.

Kinilala ang dayuhan na si Mushalah Somina Rasim alyas Abu Omar, 32-anyos, residente ng Pangeran Antasarim, Republic of Indonesia.

Ayon sa source mula sa PNP, naaresto ang terorista nitong ika-10 ng Marso sa Palimbang Sultan Kudarat.

Kabilang umano ang suspek sa nagre-recruit sa mga natitirang supporter ng Ansar Khilafah Philippines (AKP) na pinamumunuan ni Abu Maher sa barangay ng Akol at Datu Maguiles sa Palimbang Sultan Kudarat.

Nakuha mula sa suspek ang isang ATM card, P200 at kabuuan 254,000 rupian o P1,334,90.

Nasa kustodiya na ng Bureau of Immigration (BI) ang suspek habang nagpapatuloy ang monitoring na ginagawa ng PNP sa mga illegal activities ng mga natitirang miyembro at supporters ng Ansar khilafa Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?