95

By

Hinihinalang iligal na droga, lumutang sa karagatan ng Catanduanes

Isang brown package na naglalaman ng white crystalline granules ang nasamsam ng isang mangingisda sa karagatan ng Baras, Catanduanes.

Sa ulat ng Coast Guard Station Catanduanes, nakita ang hindi pa matukoy na kargamento Biyernes, alas onse ng umaga.

Nadiskubre umano ni John Anthony Tabinas ang brown package na palutang-lutang sa dagat habang siya ay nangingisda.

Agad naman niyang dinala ang brown package sa Baras Police Station.

Nakatakdang dalhin ang brown package sa PNP Crime Laboratory para sumailalim sa pagsusuri.

Kamakailan lamang napaulat ang mga nadiskubreng bloke ng cocaine na nasa loob ng kahon na natagpuang palutang-lutang sa mga karagatan ng Camarines Norte, Quezon, Dinagat Island at Siargao.

Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, international drug syndicate ang nasa likod ng mga nasamsam na cocaine sa karagatan ng Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?