22

Jan 26, 2021 @ 14:13
By

Hinihinalang fixer sa Laguna pinaliguan ng bala

Isang hinihinalang fixer sa Biñan, Laguna ang nasawi matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Kinilala ang biktima ng pamamaril na si Nestor Areza.

Ayon sa ulat, malapitang binaril si Areza sa isang convenience store sa naturang lungsod.

Dinala pa siya sa pagamutan ngunit idineklara ring dead on arrival.

Kasalukuyan nang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek sa pagpatay kay Areza.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?